Hubo akong tumatako sa palengke
Ang tsinelas ko’y sariling balat na nagbigay
Pag-asa sa libo-libong itlog ng mga uod na nakakalat
Sa sahig ng pabilihan ng isdang tabang.
Ginawa kong tarak-tarak ang nga hasang na
Pinatangal ng mga bumibili ng Tilapia, madugo, malamig.
May hinlalaki sa tyan nito.
Ilang sandali pa ay inutusan akong magbenta ng kamatis at kalamansi
Ayaw ko sana, hinampas naman ako ng matipunong kamay
Huwag ka mag-alala, hindi naman ako nasaktan,
sanay na
Palibot-libot, pa ikot-ikot sa mga tindahan, sa palengke
Isinuot ang short na basahan at apron ng nagluluto ng double dead na tinola
Kamatis kayo! Kalamansi! Kwarenta ang kilo! Cellophane!
Walang bumili, at takot akong magpakita sa kanya at kanyang matipunong kamay
Ilang beses na rin akong hindi naka pag agahan eh, ay! tanghali na pala
Kaya, tuloy parin sa mga maputik na daanan, may mga bubog, at tae ng aso
Tuloy sa madungis na mundo at mga baklang nagbebenta ng malalaswang pinirata
Bawal daw ang bata.
Tumuloy ako sa gulayan
Bulok na ang mga gulay, tinurukan lang kasi ng
Formaline ba yun? Ewan. Kamatis!. Kalamansi!
Mura lang ang Patola at monay dito, kahit saan pwede
Murang mura lang! at may nag mura na naman sa akin
Sa wakas, may benta na! at agad akong bumalik, sabik na sabik
Dahil medyo lubog na ang araw sa kanluran
Hindi na gaanong mainit at pwede na akong makipaghabulan
Sa mga kaibigan kong muslim.
Kumaripas at nakipaghabulan ako sa mga asong nanlilisik ang mata at naglalaway
Sabik na akong kumain ng mga isdang hindi nabenta
Budburan ng suka at asin, solb na!
Itatapon na man din lang. madugo at malamig.
Ngunit! “P****g *n*!” – Ang sabi ko. Bakit? Wala ng tao?
Iniwan na naman ako ni Amain, nagsara na ang tindahan.
Ang aga naman nyang nag sara? Baka nakalimutan niya lang ako
Tulad ng dati. Matutulog naman ako kasama ng mga Daga, surot at ipis
Sa maginaw na sulok sa pabilihan ng Karne.
May mga puting anak ng langaw ng nginunguya ang kalyo ng aking paa
– anim na oras-
Nagising akong pinagpyestahan ng mga nabanggit na kasama
Namula ang paanan at kilikili ko
Masarap ang init ng araw, nakasakay sa isang truck
Mga naka unipormeng hindi naman pulis ang mga nakita ko, kasama ko, kasama namin
San ako patungo?
“Sa DSWD!” Ika ng isang batang madungis tulad ko.
Friday, April 17, 2009
Clostridium Tetani
written by CANDLELIZARDEGG at 3:59 PM
Labels: contemporary, dark, emotion, experience, imagery, reality., reflections, social, sympathy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 Angelic comments:
nice blog you have here :)
thanks Lizeth... ^_^
kaya nga.. ganda tlg gerald ba.. idol tlg kita...
Post a Comment