CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, July 28, 2007

Ang alaala ni batman analysis

Bale, 1986 no’ng una kong nakilala si Batman
Wala pang ABS-CBN no’n
Sa BBC 2 pa no’n e, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay
Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda
Sikat pa si German Moreno no’n e
Sabi ko, shit, ang galing neto a
Natulala ako no’ng una kong napanood si Batman
Shit, ang galing nito, sabi ko sa sarili ko
Ang galing, galing, galing, galing ng itsura ni Batman
Parang kinatam ang mukha
Ang galing ng costume, umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong
Ang galing ng gadgets n’ya, ang gara ng kotse
Ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles
Ang galing mangarate, actually, pulbos nga lahat ng kalaban n’ya e
Palagi ko s’yang pinapanood no’n tuwing hapon
Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin
Dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That’s Entertainment
Pero ako, isa lang talaga’ng gusto kong panoorin
Isa lang ‘yung idol na idol na idol na idol ko talaga

Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman no’n
‘Di bale na si Robin, ayoko si Robin kasi parang bading
Ano kaya’ng relasyon nila ni Batman
Pero, idol ko talaga si Batman no’n
Palagi ko siyang dinodrowing, palagi ko siyang ginagaya
Lahat ng bagay na Batman, gustung-gusto ko at meron ako
T-shirt ko Batman, yung lunch box ko Batman
‘Yung pencil case ko, ‘yung panyo, sumbrero
‘Yung toothbrush, ‘yung brief ko, lahat ‘yon Batman
Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami
Palagi n’ya akong ibinibili ng mga Batman na bagay
Pero minsan, gusto ko talaga ng Batmobile na laruan, nagpabili ako sa kanya
Sabi ko, ‘Tay, bili mo naman ako ng Batmobile o
Pero kakatanggal n’ya lang ata sa trabaho no’n at wala na siyang pera
Kasi kasali yata sa unyon, nagwala sa piketline kaya ayun, natanggal
Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas
At binutasan na lang at kinabitan ng tansan
At do’n ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal

INTERLUDE

At, at lumipas na nga ang mga taon
At si Batman ay halos tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala
Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan
Alam kong naroon pa rin si Batman
Isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim
At misteryo sa loob ng aking utak at kuwarto
At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin
Nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay
Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa
Ang mga taong akala mo’y kaibigan pa rin ‘yun pala’y tarantado
Mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo, mga pulitikong bobo
Mga trabahong maliit lang ang sweldo
Isang milyong bundok na mga problema
Isang baha ng hinanakit, isang mundo ng hinagpis
Hindi ko na matagalan, hindi ko matiis, hindi ko na kaya

INTERLUDE

Ngayon, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na kaya
May narinig akong putok mula sa kaibuturan ng aking utak
Bumigay na ang tali, sumabog na ang bulkan, nabasag na ang pula
Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi
Ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala
Ang sarap ng hangin na umiihip-ihp sa aking kapa
Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga kamay
Malapit na akong lumipad, malapit na akong lumipad, malapit na akong lumipad
Lipad Batman, lipad, lumipad ka, lumipad ka
Lumipad ka papuntang langit, lumipad ka, lumipad ka
Nakataas ang aking mga kamay, nakataas ang aking mga kamay

E pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si Batman, ‘di ba
Hindi naman pala lumilipad si Batman
Hindi naman pala lumilipad si Batman kaya, paalam, malupit na mundo
Paalam, mahal
Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po
Lolo sa tuhod, paalam po
Lola sa siko, paalam po
Bantay, paalam
Muning, paalam
Ewan ko kung sinong ‘papakain sa inyo
Paalam po, Aling Tekla
Paalam po, Mang Goryo
Tsaka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa yo
Paalam, Junjun
Paalam, Bongbong
Babay, Rose, hoy, babay
Babay Pini
Babay Baby
Babay Pablo, Asis, Rastem, BJ, Jay, sige ‘yan
Wowie, sige pare, Pards, Arwin, ingat kayo
Sige paalam



- the song is so cool! ang astig ng lyrics nito!
actually walang tao ang hindi makaka relate sa portrayal ng kanta
at totoo naman,
the song tackles about the social injustices in our modern times
and it touches me when i hear it over and over again
the characters symbolizes the different broken dreams of many low class people
it gets to the core of the masses when he said, and mga pulitiko ay mga bobo at ang mga artista.
...... the song really is a farce,, meaning . its a revelation of things that the government really doesnt care about the masses, most of them., yes.
the song tells about the tragic story of a character berto, who was deprived by life.,
his favourite cartoon batman is his hero.
certainly, this song is must hear.
you will miss half of your life if you will not listen to this

0 Angelic comments: